Bigla kong naalala Lola ko..
Nagsisisi pa rin ako hanggang ngayon kasi kung hindi lang ako dire -diretso sa sala noon at nakabantay lang ako sa likuran niya, malamang, di sya maaout of balance at matutumba.
May osteoporosis kasi Lola ko sa motherside. Mga February, 2010 nadeds yung ate nyang madre. Nakapunta pa kami. Nakilibing kami. Ilang days after namin makilibing, di ko maalala kung bakit ako dire- diretsong naglakad. Parehas kaming nasa kitchen noon tapos ako nagmamadaling maglakad after namin kumain, alam kong madalas na syang maout of balance noon pero di ako nagstay sa likuran nya. Tuloy, natumba sya. Nagulat na lang ako nung pagkalabas ng ate ko sa kwarto at napasigaw.
Nung una , sabi ng Lola ko di daw masakit. Pero nung mga sumunod na araw, nagcomplain na sya. Nung nagpacheck up sya, di na daw sya pwedeng operahan kasi matanda na sya.
Simula nun, nanghina na sya. Eh March23rd, umalis kami ni kuya papuntang US. Sabi ni ma at ng tita ko, lubus -lubusin na namin na kasama si “Nanay”. Nagtuluy -tuloy ang paghihirap niya.
Tama nga sila. September18th, at exactly 3PM — Pinas time — WALA NA SIYA. Laking gulat namin ni kuya nung tinawagan kami ng panganay na ate namin at ibalita yun. Laking pagsisisi ko rin.
Kahit na sabihin ni ma, na wag kong sisihin sarili ko, napapaisip pa rin ako na ako rin ang may fault kung bakit nahirapan pa syang masyado before kunin ni Lord .. :/








